Friday, April 08, 2005
Mabuhay!!!

Hey!!!

Salamat sa pagpunta sa blog na ito. Ito ang Pinoy Toits!, ang blog na naglalayong itaguyod ang talento ng mga Pinoy na manunulat. Kung ikaw ay isang manunulat sa Filipino, mapa-tula man, sanaysay, kwento, rebyu sa musika o sine, at kung ano-ano pa, inaanyayahan kitang sumali at maging isa sa mga awtor sa blog na ito.

Kung gusto mong sumali, ipadala mo lang iyong pangalan (ang pangalan na ipapadala mo ang iyong magiging pangalan sa blog na ito, e.g., ang pangalan mo sa blogdrive, etc.), gulang (wag na magsinungaling... okey lang un...), lokasyon (kung saan ka sa mundo nakatira), kasarian, mga hobbies o mga trip mo gawin, at ang address ng blog mo.

Makiisa at ipamahagi ang iyong talento sa pagsulat. Sisikat ka na rin, sa wakas!!! :D



Salamat

Salamat sa mga kaibigan
Sa ating mga napagsamahan,
Sa ating mga kasiyahan,
Sa ating mga kalokohan.

Mga panahon na nagdaan,
Mga problemang nadaanan,
Hanggang sa huli'y ganyan,
Salamat, mga kaibigan.

Salamat sa lahat ng saya,
Pagtulong sa lahat ng problema,
Salamat sa pkikisama,
Sa lahat ng lungkot at ligaya.

Wala na 'kong mahihiling pa,
Nandito kayo'y ayos na.
Mga kaibiga't kabarkada,
Salamat at kayo'y nakasama.


Circa January 1999



Posted at 06:17 pm by Patrickman
(4)Astig  





Hey!!!

Salamat sa pagpunta sa blog na ito. Ito ang Pinoy Toits!, ang blog na naglalayong itaguyod ang talento ng mga Pinoy na manunulat. Kung ikaw ay isang manunulat sa Filipino, mapa-tula man, sanaysay, kwento, rebyu sa musika o sine, at kung ano-ano pa, inaanyayahan kitang sumali at maging isa sa mga awtor sa blog na ito.

Kung gusto mong sumali, ipadala mo lang iyong pangalan (ang pangalan na ipapadala mo ang iyong magiging pangalan sa blog na ito, e.g., ang pangalan mo sa blogdrive, etc.), gulang (wag na magsinungaling... okey lang un... Ü), lokasyon (kung saan ka sa mundo nakatira), kasarian, mga hobbies o mga trip mo gawin, at ang address ng blog mo.

Makiisa at ipamahagi ang iyong talento sa pagsulat. Sisikat ka na rin, sa wakas!!! Ü



   

<< December 2017 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02
03 04 05 06 07 08 09
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
31

Free Web Counter
Free Hit Counter


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed